Winner of NaNoWriMo 2014-2015: http://nanowrimo.org/participants/kirstennimwey
Kirsten Nimwey is an artist, illustrator, and a novelist. She was born in Manila, Philippines on March 23, 1990 to both Filipino parents. She graduated in college under Bachelor's Degree in Information Technology and is currently working as an artist, specializing in cartoon illustration industry. Her first novel series, "The Explorers" was published on November 2013 in Filipino Edition.
dashboard
Serie
The Explorers (Tagalog Edition)
|
"Kapag ang tadhana ng mundo ay nakataya... may isang bagong lahi ng mga mandirigma ang darating..."
Ang The Explorers Series (Tagalog Edition) Box Set ni Kirsten Nimwey ay ang koleksyon ng mga libro ng The Explorers series. Kasama rito ang:
1. The Explorers
2. The Explorers: King Maximillian
Ang box set na ito ay mayroon lamang sa wikang Filipino. Wala itong print edition.
1. Deskripsyon ng The Explorers:
Explorers, ang isa sa mga napiling grupo ng mga magagaling na mandirigma sa buong kalawakan ay nandirito upang tulungang ibalik muli ang katahimikan at ang normal na takbo ng buhay sa mundong ibabaw. Tungkulin nilang protektahan ang sangkatauhan mula sa pagkasira at kaguluhan mula sa kamay ng kasamaan.
Ang isang pangkat ng mga maalamat na mandirigmang Explorers ay ang tagapag-alaga, tagapaglingkod, at tagapagtanggol ni Haring Jethro sa mundo ng tao at ng buong kalawakan. Ngunit labing-apat lamang sa kanila ang ipinagkatiwala ng haring diyos na magmay-ari ng kanyang mga nawawalang elemento upang iligtas ang mundo mula sa kaguluhan.
Nagsimula sina Kenji, Claude, at Shingue sa kanilang pakikipagsapalaran matapos nilang tapusin ang mahaba nilang pagsasanay sa isang sikat na martial arts school. Kasama si Valerie, ang apat ay nakarating sa nayon ng Sierra at nanatili sila roon ng ilang sandali nang may natanggap na tawag si Shingue mula sa Explorers. Nang makilala nina Kenji at Claude ang Explorers, binigyan sila ng hamon ng grupo na gawin at ipasa ang kanilang mga pagsubok upang sila ay mapabilang na rin sa kanila. At dito na nagsisimula ang kanilang kuwento...
2. Deskripsyon ng The Explorers: King Maximilian:
Ang The Explorers: King Maximillian ay kasunod ng The Explorers ni Kirsten Nimwey. Ang kuwento ay nangyari pagkalipas ng pitong taon nang matapos ang unang libro, kung saan nalaman ng mga Wielders na may isang maalamat na mandirigma ang mapapalaya at muling isisilang pagkatapos ng 25 taon nitong pagkakabilanggo sa ilalim ng kapangyarihan ng Great Seal.
Nanumbalik na ang kapayapaan sa mundo ng mga tao nang mapabagsak ng Explorers ang grupo ng Expland pitong taon na ang nakaraan, ngunit si Kenji ay sumasailalim pa rin sa sumpa ng itim na mahika. Siya at Genji ay malapit nang ipagdiwang ang kanilang ika-25 na kaarawan sa loob ng ilang araw. Ngunit si Reinhardt, na ngayon ang pinuno na ng DDE, ay nagsabi na mayroong isang di malilimutang kasaysayan ang mauulit pagkaraan ng dalawampu't limang taon, at ito ay mauulit sa kaarawan ng kambal. Ang isang maalamat na paladin, na siyang pinakadakilang mandirigma at hari ng Reminescence ay muling mabubuhay pagkatapos siyang ikulong ng mga Pioneers sa kanilang espesyal na kapangyarihan na tinatawag na Great Seal. Nagulat ang mga Element Wielders patungkol sa hindi nila inaasahang pangyayari na darating, at iniutos na ng lider ng DDE ang mga Explorers na maghanda na para sa pagbabalik ng Reminescence sa kaarawan ng kambal.
Pagkalipas ng ilang araw, ipinagdiriwang na nina Kenji at Genji ang kanilang ika-25 na kaarawan sa mansyon ng DDE. Tulad ng inaasahan ay nasira nga ang Great Seal at napalaya na nito ang hari ng Reminescence. Nagbalik rin ang maalamat na pangkat ng mga unang mandirigma ng Reminescence. Alam na ng mga Explorers ng kanilang pagbabalik, at ang kasaysayan ay muli na namang naulit...
Nagustuhan mo ba ang The Explorers? Bigyan ito ng magandang rating at review!
Título : The Explorers Series Box Set (Tagalog Edition)
EAN : 9781311146847
Editorial : Kirsten Nimwey
El libro electrónico The Explorers Series Box Set (Tagalog Edition) está en formato ePub
¿Quieres leer en un eReader de otra marca? Sigue nuestra guía.
Puede que no esté disponible para la venta en tu país, sino sólo para la venta desde una cuenta en Francia.
Si la redirección no se produce automáticamente, haz clic en este enlace.
Conectarme
Mi cuenta